You are currently browsing the monthly archive for May 2009.

Blogger’s Note: Katrina Halili’s opening statement during a Senate committee hearing on the Hayden Kho-Katrina Halili video scandal.
.

halili“Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito.

Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan. Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala.

Read the rest of this entry »

TIMES MAY2109Panalo ka talaga, Idol! Halos nakalimutan ko na na nakaupo ka nga pala sa Senado.

Sa wakas, tumayo ka din upang ipakita sa mga kapwa mo senador kung p’ano talaga makatulong sa ating Inang Bayan, partikular na sa mga kababaihan.

Mabuhay ka, Idol!  Sana dumami ang lahi mo. (Ay teka, madami na nga pala ang lahi mo — at ng tatay mo.)

Tama ka.  Isa talagang ‘pervert of the highest degree’ iyang si Hayden Kho.  Hindi gaya mo.  Sobrang manyak pa at mapagsamantala iyang si Hayden. Hindi gaya mo.  At ‘buang’ at ‘wala sa tamang pag-iisip’ talaga iyang tao na iyan — doktor pa naman. Hindi gaya ni Miriam.

Read the rest of this entry »