Blogger’s Note: Katrina Halili’s opening statement during a Senate committee hearing on the Hayden Kho-Katrina Halili video scandal.
.
“Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito.
Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan. Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala.
Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan. Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala.
Ako ang biktima rito. Araw-araw, biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin. Patay na ako pero may video pa rin at may Internet.
Dalawa lang ang kasong isinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatan maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.
Pero ano pong iginanti nila? Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy, ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.
Ang issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habang buhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din nyo mangyari sa kanila ang sinapit ko.
Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.
Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.
Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling sa mga sex videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.”

5 comments
Comments feed for this article
May 28, 2009 at 3:27 pm
batang buotan
Okay, that is one of the issue but women should learn and continue to relearn not to be too submissive.
May 28, 2009 at 7:37 pm
A.B. Schneider
Two Points:
They still have to prove that Hayden Kho uploaded the videos. Like Katrina’s claim for private, Mr. Kho may have intended the videos for private use, in his private life. He could have also written the whole experience had he the talent to write. Could we prohibit him? No way! In the movie age, I am not surprised that he used a video to create a journal of his sexcapades. Were we in the age when videos were unknowned, this performance could have landed in a diary. Same story.
Second: KAtrina is paying a very high price for her katangahan. Sadly I can not sympathise with her. I am a woman too and yet my conscience is telling me she deserves what happened to her. There is no getting away with it. (Sex without marriage, pirating Kho from Vicky Belo). It was already preprogrammed to end this way. Her total misfortune are the senators who are ever ready for the free ride. MAde the Monte Carlo circus acts shabby. There are other sex videos in the country that preceded hers. What made hers any different.
My advice: She should start a new life. Get a new name. She can have cosmetic surgery( why not- she has done that before with Kho and Belo, right?). Assume a different identity. Get psychological theraphy for the trauma of the whole ordeal. Use the brainpower and not the one between the legs. If she really wants to be smart, shun all these publicities.
May 31, 2009 at 11:22 pm
Aurora
Thanks for posting this
Now she’s portraying herself to be a victim. Pfft… Watched a video of her wearing white, new hairdo all contrived to portray the innocent victim.
June 1, 2009 at 6:23 am
lykamikaela
let’s support the senate and katrina halili..
June 1, 2009 at 6:26 am
pinklollipop
yes! and punish hayden kho!