Haleyluya! Prez da Lord! Hey-men! Sa wakas, dumating na ang mesayah ng ating pulitika: si – drumroll at matapos n’un ay entrada si Judy Garland na kinakanta ang: The clown, with his pants falling down… Tralala, tra-lala-la-la-la… That’s entertainment! – Brother Mike V!
Sa wakas, yayaman na ang bawat Pilipino – sa kabilang buhay, kung ‘di man sa buhay na ito.
Kapag si Brother Mike na ang ating naging pangulo, tiyak na sisipa ang per capita income ng bawat Pilipino – ‘yung mga mapupunta sa langit, ha – at aabot sa nakakalulang 1 million Diyoskopo points! Pwede nang ipagsigawan ng bawat Pilipino – ‘yung mga namatay na, ha – sa mga syota nila na iniwan sila o sa mga supermodel at porn star na pinagnasaan nila habang nagbabawas sa banyo: I may be dead, but I’m rich, biatch!
Hindi nga ba sinabi ni Brother Mike, n’ung inanunsyo niya na gusto niyang maging presidente ng Pilipinas, na kapag siya’y nahalal, irereorganisa niya ang sistema at pagreretirihuan na niya ang bawat Pilipino?
Iyan din ang matagal ko nang teorya kung p’ano mababawasan ang kahirapan sa Pilipinas. Ba’t ‘di nga naman natin ‘iretiro’ ang bawat pobre sa Pilipinas para makulekta na nila ang yaman na naipon nila sa langit? Sayonara, slapsoil (translation: hampas-lupa)! This will hurt me more than it will hurt you. Ka-tsak, ka-boom! Oye, pakikumusta si San Pedro at ang kanyang manok, okeh?
Hindi naman mahirap mag-ipon ng yaman sa langit. Ang kailangan mo lang ay payong. Iyan ang abiso ni Brother Mike sa kanyang mga alagad. Kapag umuulan, baliktarin natin ang ating mga payong para masagap natin lahat ng biyaya ng langit!
Ginawa ko iyan dati. Kaya lang, bukod sa nagmukha akong tanga habang naglalakad sa kalye papuntang Baclaran, napuno din agad ng tubig ang payong ko, kaya lalo lang akong nabasa.
Pero, okay lang. Alam ko naman na madami akong naipon na Diyoskopo points n’ung araw na ‘yun, kayamanan na pwede ko’ng ipang-upgrade ng toga’t pakpak ko at ipambili ng holy water para sa mga Tanjong Pagar tsikas na may ginintuang puso kapag nasa langit na ako: Kuya pogi, buy me holy water naman! Hindi pa ako nakaka-quota, eh.
PS — Utang ko kay Man Francisco ang artwork sa itaas, bukod pa sa iba ko pang mga utang sa aking tart.

1 comment
Comments feed for this article
August 22, 2009 at 9:53 pm
Pinoy Jokes
kahit sino naman pedeng kumandidato eh… ang sana lang ay mapatakbo ng maayos ang Pilipinas.. un lang naman ang hinihiling ng taong bayan eh.. katahimikan, kaayusan… sana magkaron ng maayos na eleksyon…